NORTHERN SAMAR- NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 31 katao kabilang ang ilang batang sakay ng tumaob na Bangka sa karagatang sakop ng San Antonio nitong Miyerkules ng umaga sa nasabing lalawigan.
Nagawang makahingi ng saklolo ang mga sakay ng bangka kaya agad na nirespondehan ng mga kinatawan ng PCG- Northern Samar at ng lokal na pamahalaan ng San Antonio.
Batay sa ulat, naganap ang insidente sa may 4 kilometro ang layo mula sa pampang na papuntang San Antonio ang bangka na galing sa San Isidro nang mabutas ang bahagi ng sasakyang pandagat .
May bumagsak umano sa kaliwang bahagi ng Bangka na siyang nagiging dahilan ng pagtagilid nito at tuluyang pagtaob.
VERLIN RUIZ