31 ‘MAGDALENA’ NASAGIP SA PROSTI DEN

prostitution den

MAKATI CITY- NASA 31 kababaihan ang nasagip ng Makati City police sa isang bar na front ng prostitution den noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Makati City police chief, Colonel Rogelio Simon, sinalakay nila ang Feelmore Ihaw-Ihaw Atbp Bar and Restaurant na matatagpuan sa 1330,  Filmore St., Barangay Palanan, Makati City dakong 11:00 na front ng prostitution den.

Nabatid na sinalakay ang naturang lugar matapos na ang mga pulis ay makatanggap ng tip sa umano’y ilegal na aktibidad sa loob ng nasabing bar.

Sa pahayag ng pulisya, nadiskubre nilang pinagsasayaw ang mga kababaihan na walang suot sa katawan.

Napag-alaman pa na ang naturang bar ay nag-o-operate na expired ang kanilang business permit pati na rin ang mga empleyado ay expired din ang kanilang work at health permit.

Ayon pa sa pulisya na 15 empleyado sa bar at 24 na mga guest, kasama ang dalawang Indonesian nationals ang dinala sa Makati City Central Police Station para sa profiling.

Sinabi pa ni Simon na ang naturang bar ay isasailalim din sa imbestigasyon ng Makati Business Permit and Licensing Office. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.