31 OFWs SA KUWAIT NASAWI SA COVID-19

PATAY

KINUMPIRMA kahapon ng embahada ng Filipinas sa Kuwait na nasa 31 Pinoy na ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Charge d’ Affaires Charleson Hermosura, 31 OFWs  na nasawi, apat dito ay mga healthcare worker.

“Nakalulungkot lamang po kasi may 31 na namatay including 4 na healthcare workers na Filipino po rito sa Kuwait,”  ani Hermosura.

Sinabi pa ni Hermosura, base sa ulat na kanilang natanggap, nasa 300 OFWs ang tinamaan ng virus at 260 dito ay naka-recover na.

Tinatayang mahigit sa 23,000 Pinoy sa Kuwait ang nawalan ng trabaho bunsod nang COVID-19 at 5,011 dito ang nakatanggap na financial aid mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Hulyo 15, 8.915 Pinoy sa abroad ang infected sa COVID-19, kung saan 618 ang nasawi at  5,311 ang naka-recover. LIZA SORIANO

Comments are closed.