31 SUMUKONG REBELDE SINASANAY NG TESDA

tesda scholar

ISABELA-NASA 31 na dating mga rebelde na kusang bumaba sa bundok at nagbalik-loob sa pamahalaan ang kasalukuyang nagsasanay ng Electrical Installation and Maintenance Training (EIMT) sa tulong ng  Salaknib Former Rebels Integrated Farmer’s Association (SFRIFA), sa Happy Ville, Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu ng lalawigang ito.

Nakapaloob ang nasabing pagsasanay sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno para sa mga sumukong rebelde na nais ng  mamuhay ng tahimik kasama ng kanilang mga pamilya.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng 95th Infantry Salaknib Battalion sa pamumuno ni Battalion Comman­der, LtCol Gladiuz C. Calilan katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Isabela sa pamumuno naman ni Director Edwin P Madarang, School Superintendent of TESDA-ISAT.

Napag-alamang ng PILIPINO MIRROR na ang nasabing programa ay makakatulong sa mga naliligaw ng landas tulad ng mga dating rebelde para sa kanilang pagbabagong buhay.

Samantala, mayroon pang limang miyembro ng New Peoples Army, (NPA) ang kusang sumuko  sa pinasanib na puwersa ng 95th Infantry (Star) Division, Philippine Army, Police Regional Mobile Force Batallion 2 (PRMFB2) at Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Nakilala ang mga nagbalik loob sa pamahalaan na sina Ka Renato,Ka Kanoy, Ka Jaimie, Ka Butok, at Ka Didag,pawang mga miyembro ng Sub Guerilla Unit ng Central Front Committee, at Komiteng Rehiyong Cagayan Valley (SGU-KR-CV). IRENE GONZALES

Comments are closed.