NEGROS ISLANDS – NANANATILING nakataas ang alert level 3 sa paligid ng Kanlaon Volcano makapagtala ng mataas na lebel ng mga pagyanig o volcanic earthquakes.
Base sa update ng PHIVOLCS, umabot sa 31 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras at nagpapatuloy ang mga pagbuga ng abo ng bulkan na tumagal ng 11 hanggang 39 minuto.
Aabot din sa 4,121 tonelada ang inilabas na sulfur dioxide o asupre ng bulkan.
Bandang alas-9 ng bagi nitong Martes, December 10, nang maitala rin ang malakas na pag-ulan sa southern slopes ng Kanlaon Volcano kung saan pinaalalahanan ang mga residente na magingat sa banta ng lahar.
Sa kasalukyan, nakataas pa rin ang Alert level 3 sa Bulkan kung saan mahigpit na inirerekomenda ang paglikas sa loob ng anim na kilometro( 6km ) radius mula sa tuktok ng bulkan.
P ANTOLIN