310 BAGONG KASO NG COVID-19 SA PNP

DAHIL sa karagdagang 310 new infected cops sa COVID-19, pumalo na sa 47,024 ang kabuuang kaso ng nasabing sakit sa Philippine National Police (PNP).

Batay ito sa datos ng PNP-Health Service kahapon habang mayroong 483 pulis ang tuluyang gumaling at inaprubahang makalabas sa isolation kaya ang kabuuang recoveries ay 43,620 na.

Dahil naman sa nasabing bilang ng new recove­ries ay nasa 3,278 ang aktibong kaso habang 126 ang bilang ng nasawi.

Patuloy naman ang panawagan ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos sa mga na-infect na pulis na sundin ang medikasyon upang tuluyang gumaling.

Pinayuhan naman ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander at Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Joselito Vera Cruz ang mga kasamahang pulis lalo na ang mga naka-deploy sa checkpoints ng ibayong pag-iingat laban sa coronavirus disease. EUNICE CELARIO