NASA 3,100 mga Navoteño ang sumali sa Takbo ni Juan para sa Iskolar ng Bayan para kumalap ng pondo para sa NavotaAs Scholarship Program.
Nanguna si Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Clint Geronimo at iba pang opisyal ng lungsod, sa taunang 3-k at 5-kilometer na fun run.
Umabot sa P620,000 ang nakalap ng lungsod para sa 608 mga iskolar nito, 18.5 percent na mas mataas kumpara sa P523,400 noong nakaraang ta-on.
Ngayong taon, nakatanggap ang Navotas ng dalawang prestihiyosong award para sa mga programang pang-edukasyon gaya ng Seal of Good Edu-cation Governance noong September, Galing Pook award, Holistic and Inclusive Education.
Naghahandog din ang lungsod ng scholarship para sa mga gurong nais mag-aral ng graduate studies.
May 608 mga scholar na ang Navotas, kasama rito ang 293 athletic scholars, 291 academic scholars, at 19 art scholars.
Lima ang nadagdag sa listahang ito bilang mga benepisyaryo ng Navotaas Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship Program. Ang mga anak o piling kamag-anak ng Top Ten Outstanding Fisherfolk ay mabibigyan ng P16,500 transportation and food allowance at P1,500 book stipend bawat academic year. VICK TANES
Comments are closed.