310K NA GUMALING SA COVID-19

DOH

UMAABOT na sa kabuuang 310,642 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa case bulletin No. 220 na inilabas ng Department of Health (DOH), hanggang 4:00 ng hapon nitong Oktubre 20 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 369 recoveries.

Samantala, nadagdagan naman ng 1,640 pa ang mga newly-confirmed cases ng COVID-19, sanhi upang umakyat na ngayon sa kabuuang 360,775 ang total COVID-19 cases sa Filipinas.

“As of 4PM today, October 20, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 360,775, after 1,640 newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH. “DOH likewise announces 369 recoveries. This brings the total number of recoveries to 310,642.”

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 43,443 pa ang aktibong kaso ng sakit sa bansa at 83% sa mga ito ang mild cases lamang habang 11.6% ang asymptomatic.

Nasa 2% naman ang severe cases habang 3.4% ang kritikal ang kalagayan.

Sinabi ng DOH na sa mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Cavite at Quezon City, na kapwa nakapagtala ng 86 bagong kaso; su-munod ang Batangas na may 69 bagong kaso, Bulacan na may 62 bagong kaso at Maynila na may 61 bagong kaso.

Mayroon  namang 17 iniulat na namatay dahil sa sakit kaya’t umakyat na ang total COVID-19 death toll sa Pilipinas sa 6,690.

Sa mga bagong namatay,  11 sa mga ito ang binawian ng buhay nitong Oktubre; lima noong Setyembre at isa noong Abril pa.

“Deaths were from Region 9 (5 or 29%), NCR (5 or 29%), Region 3 (2 or 12%), CAR (2 or 12%), Region 1 (1 or 6%), Region 11 (1 or 6%), and Region 12 (1 or 6%),” anang DOH.

Mayroon namang 34 na duplicates na inalis sa total case count, at sa naturang bilang 26 ang recovered cases at dalawang ang patay.

Mayroon  apat na kaso na unang iniulat na nakarekober ngunit malaunan ay iniulat na binawian pala ng buhay.

Inaasahan naman ng DOH na madaragdagan pa ang naturang mga kaso dahil 15 pang laboratoryo ang hindi pa nakapagsusumite ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang nitong Oktubre 19, 2020. ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.