NASA 31,173 ang napaulat na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00 ng Huwebes ng hapon, Enero 20, pumalo na sa 3,324,478 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 275,364 o 8.3 porsiyento ang aktibong kaso.
8,424 ang asymptomatic o walang sintomas, 262,168 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,979 ang moderate, 1,488 ang severe, habang 305 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Iniulat na 110 naman ang nasawi kaya umakyat na sa 53,153 o 1.60 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 26,298 ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,995,961 o 90.1 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.