UMABOT na sa 313 na unibersidad sa Pilipinas ang nakapagsagawa na ng face-to-face classes.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III, bagama’t kaunti pa lamang ang bilang, inaasahang madadagdagan pa ito sa school year 2022-2023.
Nitong Enero, karamihan sa mga unibersidad ay nakatutok sa online classes dahil sa pagsipa ng kaso ng Covid-19.
Sa ilalim ng alert level 1, pinapayagan na ang face-to-face classes gamit ang 100% ng mga silid-aralan.