INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 31,352 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19.
Sa nasabing bilang, 20,633 o 65.8 porsiyento ang sea-based habang 10,719 o 34.2 porsiyento ang land-based.
Kasama rito ang mga nag-uwiang OFW mula sa United Arab Emirates (UAE).
Patuloy ang repatriation sa mga Pinoy na nais umuwi ng Filipinas.
Batay sa Department of Health (DOH) Memo 2020-0200, lahat ng pabalik na Pinoy ay kailangang sumailalim sa pagsusuri at mandatory quarantine sa mga pasilidad ng gobyerno habang hinihintay ang resulta ng kanilang test. PILIPINO MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.