3,140 GUMALING SA COVID-19

INIULAT  ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 1,926 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa hanggang nitong Linggo, Nobyembre 14, 2021.

Batay sa case bulletin #610, nabatid na umaabot na sa 2,816,980 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 1.0% na lamang o 28,102 ang aktibong kaso o may potensiyal pang makahawa.

Kabilang sa active cases naman ang 62.3% ang nakakaranas ng mild symptoms, 16.94% ang moderate cases, 10.5% ang severe cases, 5.8% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, at 4.5% ang kritikal.

Mayroon ding 3,140 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,743,297 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.4% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 309 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 45, 581 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.62% ng total cases. Ana Rosario Hernandez