BULACAN- WALANG holidays, walang weekend dahil tuloy-tuloy ang pagbabantay sa kalikasan kaya naman nasa 3,173 board feet ng tablon ng kahoy na mahogany na nagka-kahalaga ng P147,515 at limang units ng chainsaw machines ang nakumpiska ng mga pulis katuwang ang Bulacan Environment and Management Office (BENRO) at Department of Environment and Natural Resources(DENR) sa bahagi ng Sitio Guinto-guinto, Brgy, San Mateo sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga nakatakas na suspek na si Edison Reyes, 35-anyos, binata ng Alaminos Laguna; Sonny Vargas, 43-anyos ng San Isidro Lipa City at isang Rowel Delgado, 30- anyos ng brgy Talaibon Ibaan, Batangas.
Samantala, tiniyak naman ni BENRO chief Atty Julius Victor Degala na kasong paglabag sa PD 705 (Illegal Logging) and Malicious Mischief ang isasampang laban sa mga illegal logger na tinutugis na ng mga awtoridad.
Bunsod nito’y muling umapela sa publiko ang mga awtoridad na bawal ang pagputol ng anumang uri ng kahoy lalo na kung walang kaukulang permiso mula sa DENR. THONY ARCENAL