TUGUEGARAO CITY-Pormal na pinailawan ang isang 32-talampakan ang taas na higanteng Krismas Tri bilang sentro ng pagdiriwang ng Pasko lalo na para sa mga bata sa SM City dito kagabi, Oktubre 23.
Gustung-gusto ng mga bata at nasiyahan ang pagkuha ng larawan sa lugar, na nagtatampok ng magarbong mga decors at bola ng Pasko at iba pang maliwanag na kulay na dekorasyon, isang reindeer at isang Santa Claus.
Dalawang malalaking arko ng bituin, nutcracker at miniature na mga puno ng Pasko na nakabitin mula sa higanteng Krismas Tri ang naglarawan sa simbolo ng pag-ibig at pagmamahal.
Natuwa ang mga nanonood sa mga makukulay na burloloy at ilaw at lalo silang nasiyahan sa mga sayaw na tulad ng ballet na isinagawa ng mga batang ballerinas.
Ang higanteng Christmas tree ay nagbibigay-saya sa kapaligiran para sa Pasko at naramdaman at nasisiyahan sa karamihan ng mga bata at kahit na mga may sapat na gulang, ayon sa mga bisita.#
Tuwang-tuwa ang mga bata sa pagpapapiktyur sa bagong bukas na Christmas tree habang kasama si Mayor Maila Que isang mall sa Tuguegarao City. (VIA HANNAH VISAYA)