32 PANG OFWs MULA SA ISRAEL BALIK-PINAS NA

DUMATING na kahapon ang ika-8 batch ng overseas Filipino work­ers na pinauwi mula sa Israel.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kinabibilangan ito ng 32 OFWs — 8 ho­tel workers at 24 care­givers — at isang sang­gol.

Ang mga repatriate ay personal na sinalu­bong ni DMW Offi­cer-in-Charge Hans Leo Cacdac. Sa latest batch ng repatriates mula sa Is­rael ay umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng OFWs na ligtas na naka­balik sa bansa.

Pinoproseso na rin ng DMW ang mga do­kumento ng 150 pang Pinoy mula sa Leba­non at naghahanda na sa pagdating ng tatlong repatriates.