32 SHOTGUNS, HIGH POWERED FIREARMS NASAMSAM

SULTAN KUDARAT- SARI-SARING baril at bala ang nadiskubre ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Central ng Philippine Army nang matunton nila ang ang mga taguan ng armas ng mga hinihinalang lawless element or terrorist groups sa lalawigang ito nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander ng AFP- Western Mindanao Command, nahukay ng kanyang mga tauhan ang mga sandata na ibinaon sa Sitio Kanalan, Barangay Marquez, Esperanza, matapos na ituro na mga concerned citizen.

Sinabi ni Rosario Jr.,ang mga cache ay binubuo ng 34 12-gauge shotgun, isang M79 grenade launcher, isang Springfield rifle, isang cal. 22 rifle, dalawang single-shot pistol, isang cal. 45 pistol, isang Uzi pistol, dalawang IED detonator, at iba’t ibang bala.

Ang mga baril ay inilalagay sa ilalim ng kustodiya ng 7IB para sa pag-iingat.

“Together with our partners, we will continue to go after individuals and groups that wreak havoc in the communities,” Lt. Gen. Rosario, Jr. stated. “We call on all peace-loving citizens to support this endeavor, as we are aware that the role of the people is very essential in defeating the threat groups”.

Ayon sa Joint Task Force Central Commander, ang mga narekober na baril ay pag-aari ng mga kasapi ng isang mass organization. VERLIN RUIZ