32 VAX SITES INIHANDA NG DOH PARA SA RESBAKUNA KIDS

NAGHANDA  ng 32 vaccination sites ang Department of Health (DOH) para sa “resbakuna kids” campaign na sisimulan sa Pebrero 4 para sa 5-anyos hanggang 11-anyos.

Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje, unang sasaklawin ng vacciantion drive ang NCR na susundan ng mga piling lugar sa Calabarzon at gitnang Luzon, sa Pebrero 7.

Kabilang sa 32 vaccination sites ang National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center at Philippine Heart Center sa Quezon City.

Samantala, idinagdag ni Cabotaje, na ang vaccination campaign ay sumasaklaw sa mga batang mayroon o walang comorbidities.

Gagamitin dito ang reformulated dose ng Pfizer-Comirnarty vaccine. DWIZ882