NEGROS OCCIDENTAL – MULI na namang nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 32 volcanic earthquakes mula sa bulkang Kanlaon nitong nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ahensiya, natatakpan ng ulap ang bulkang Kanlaon habang naobserbahan din ang pamamaga ng bulkan.
Naitala rin ang 10,880 tonelada ng asupre kada araw mula sa bulkan noong nakalipas na Setyembre 12.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 2 ang bulkan o state of increasing unrest subalit ang kasalukuyang seismic activity ay maaaring humantong sa eruptive unrest at pagtaas ng Alert Level.
Kaya patuloy pa rin ang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4 kilometer permanent danger zone at pagpapalipad ng sasakyang himpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.
EVELYN GARCIA