MAY kabuuang 320 gaming outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ikinandado ng pulisya sa Bulacan bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapasara sa lahat ng sangay ng ahensiya sa buong bansa.
Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO), sa kabuuang 320 naipasarang PCSO gaming scheme outlets, 241 ang Lotto outlets, 37 ang Keno outlets, 32 ang oulets Small Town Lottery (STL) at 10 ang STL Drawing Centers.
Inatasan din ni Bersaluna ang lahat ng tauhan sa BPPO na magsagawa ng random checks/ inspections sa iba’t ibang PCSO outlets upang matiyak na tumigil na ang mga ito sa operasyon.
“Mahigpit naming ipatutupad ang utos ng Pangulong Duterte na ipatigil ang lahat ng palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya mapapatawan ng parusa ang sinumang may prangkisa na lalabag sa pagpapatigil ng kanilang operasyon,” ani Bersaluna. A. BORLONGAN
Comments are closed.