326 SPED STUDENTS SA NAVOTAS AAYUDAHAN

Toby Tiangco

NASA 326 Special Education (SPED) students mula sa Navotas City ang nakakuha ng P1,000 mula sa calamity financial assistance kabilang ang 307 ang nasa elementarya, lima ang nasa high school, at 14 ang nasa kolehiyo.

Kasabay nito, inayuhadan din ang may 1,500 jeepney drivers at maralitang residente para sa Cash for Work program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga benepisyaryo ay mga mag-aaral na rehistrado sa Persons with Disa­bilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ng pamahalaang lungsod ng Navotas.

“Providing and ca­ring for people who are differently-abled, especially children with special needs, is never easy.  The pandemic and the long period of community quarantine made it more difficult, health and money-wise,” ani Mayor Toby Tiangco.

Nabatid na ini-realign ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang P380,000 sa 2020 budget nito para pondohan ang inisyatibo.

Noong Hunyo, natanggap ng PWD student scholars ang kanilang January-March cash allowance na nagkakahalaga ng P1,500.

Sa nasabing scholarship, ang mga benepsiyaryo ay pinagkakalooban ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

Samantala, ang cash for work beneficiaries ay tatanggap ng P4,050 matapos ang 10 araw ng trabaho  na kung saan ay  maglilinis sa mga barangay,  magtatanim at iba magsasagawa ng iba pang aktibidad para maibsan ang epekto ng climate change. VICK TANES

Comments are closed.