329,000 MUSMOS BIGYAN NG SUSTANSIYA

MASAlamin

HABANG ang trend sa buong mundo ay palaki nang palaki ang numero sa istatistika ng mga overweight (nasa isang bilyon na ang mga overweight sa ngayon sa buong daigdig), malaki at nakababahala rin ang numero ng mga taong nakararanas ng ‘chronic undernourishment’ dahil sa kakulangan at kawalan ng makakain.

Nasa 842 milyon ang mga undernourished na tao sa buong mundo, 12% ‘yan, kamasa, ng populasyon ng buong mundo na estimated na mahigit pi-tong bilyon na. Ibig sabihin, nasa isa sa walong tao ay undernourished at nakararanas ng matinding kagutuman. Nasa 842 milyong mga taong chronical-ly undernourished ay matatagpuan sa developing countries katulad ng bansang Filipinas. Undernourishment at ma­tinding kagutuman ang sanhi ng pagkamatay ng may 2.5 milyon na mga bata sa buong mundo taon-taon.

Ang populasyon ng bansa sa ngayon ay nasa 100 milyon, pero sa ibang estimate ay nasa 97.6 milyon. Nasa 13.5% nito ay mga batang may edad na limang taon pababa, halos nasa isang milyon ‘yan. Nasa 350,000 naman ng mga batang Filipinong ito ang nakararanas ng chronic undernutrition. Isa naman sa tatlong mga batang Filipino na may edad na anim na taon hanggang 10 taon ay undernourished din. Kung nasa isang milyon ang mga batang may edad na limang taon pababa, lumalabas na 35% sa mga ito ay mga ‘chronically undernourished’.

Sila ang future generation na mga Filipino. Hindi tayo nagtataka, base sa trend na ito, kung bakit ang Filipinas ang panlima sa buong mundo sa pin-akamara­ming school dropouts. Ang kakulangan at kawalan ng makakain ang sanhi nito, pero bukod dito ay nasa 12% ng mga inang nagpapagatas sa Filipinas ay pawang mga underweight.

Kaya hindi rin kataka-taka na ang Filipinas ang panlima sa buong mundo kung saan pinakamarami ang isinisilang na mga sanggol na underweight din. Ang mga datos na ito na dapat bigyan ng agad-agad na aksiyon mula sa pamahalaan ay mula sa Food and Nutrition Research Institute mismo.

Kaya ito ay dapat ding tutukan ng admi­nistrasyon upang mas maging makatotohanan ang pagbabagong ina­asam ng nakararami, sa pamamagitan ng DSWD at DepEd, ito ay maa­aring maisakatuparan.

Noong panahon ng Martial Law ay may ‘nutri-bun’ na sana ay ipinagpatuloy ng mga administrasyon matapos ang pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos sa puwesto.

Nasa higit P100 bil­yon ang budget ng DSWD ngunit wala tayong nasumpungang programang makakatulad ng nutri-bun. Masisigla ang mga bata noon kahit mahihirap dahil may karampatang nutrisyon ang kanilang katawan.

Sa kagustuhang mabuhay ng ilang mahihirap na pamilyang Filipino ngayon, kumakain sila ng ‘pagpag’ o pagkaing naku-kuha nila sa mga basurahan sa siyudad.

Comments are closed.