MAKATATANGGAP ang 32,000 kuwalipikadong magsasaka sa probinsiyang ito ng PHP5,000 cash aid bawat isa sa ilalim ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program ng Department of Agriculture (DA), sa pakikipag-partner sa LandBank at Development Bank of the Philippines (DBP).
Ang ceremonial launch ng programa ay ginanap sa Paniqui Municipal Covered Court sa Paniqui town kamakailan.
Layon ng grant na tulungan ang maliliit na mga magsasaka na apektado ng inisyal na impact ng Rice Tariffication Law.
Sa kanyang mensahe noong paglulunsad, sinabi ni Governor Susan Yap na ang ayudang pinansiyal ay inaasahang maka-pagpapababa ng epekto ng hakbang.
“This amount, although small, can help our dear Tarlaqueño farmers to lessen the impact of the new tariffication law. We under-stand the plight of our rice farmers, particularly the marginal ones. The RFFA is one way to help you cope with the tough competi-tion in the market today,” sabi ni Yap.
Ibabagsak ng administrayong Duterte, sa pamamagitan ng DA at sa pakikipag-partner sa LandBank at DBP, ang may PHP3 bil-lion sa 600,000 rice farmers 33 rice-producing provinces sa bansa na ang sukat na sakahan ay nasa kalahating ektarya hanggang dalawang ektarya.
Ang pagpopondo para sa RFFA ay galing sa tariff collection ng PHP10 billion Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).
Sa Central Luzon, may 115,000 rice farmers ang nakikitang makikinabang mula sa RFFA program.
Maliban sa financial assistance, nauna nang sinabi ni Agriculture Secretary William D. Dar na may PHP1.6 billion halaga ng interventions ang nakatalaga ngayong taon para sa mga magsasaka sa Central Luzon, na sakop ang tulong sa ilalim ng RCEF, solar power irrigation system project para sa palay/bigas ang ibang high-value crops, youth agri-entrepreneurship program, binhi at iba pang farm inputs. PNA
Comments are closed.