33 AFP PERSONNEL POSITIBO SA COVID-19

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO -KINUMPIRMA ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na 22 mga sundalo at anim na kanilang dependents, ang nagpositibo sa Corona Virus Disease o COVID -19.

Sa nasabing bilang,  141  na mga AFP personnel ay Probable Persons Under Investigation, 111 dito ay militar habang apat ay dependents nila.

Nasa 177 naman na mga AFP personnel ay Suspected Persons Under Investigation, 141 ay military at 21 ay dependents nila.

Pero mayroon nang 20 AFP personnel ang nakarekober na sa sakit na COVID 19.

Ang mga sundalo kasama ang mga pulis ang nakatalagang magbantay sa mga quarantine checkpoints at quarantine facili-ties. REA SARMIENTO

Comments are closed.