33 ‘BAKWIT’ NADALE NG DENGUE

DENGUE

NORTH COTABATO – TATLUMPU’T TATLONG evacuee ang nadale ng dengue sa loob lamang ng isang araw sa Barangay Luna Norte sa bayan ng Makilala.

Sa ulat ni Norma Bayan ng Barangay Health Scholar, karamihan sa mga dinapuan ng dengue ay mga bata kung saan 14 naman ang hindi na nagpa-confine sa ospital at pinili na lamang na sa evacuation center manatili.

Nabatid na nagmula ang mga lamok na dengue sa bao ng niyog na nakakabit sa puno ng goma na may maruming tubig kung saan sinasabing pinagpugaran ng lamok.

Kaagad namang nagsagawa ng fogging ope­ration ang barangay sa tulong ng municipal rural health kasabay ng clean up drive operation.

Samantala, nasa 171 pamilyang bakwit na pansamantalang nasa evacuation center ang ‘di makabalik sa Barangay Bato sa bayan ng Ma­kilala, dahil sa nakaambang panganib na dulot na rin ng lindol. MHAR BASCO

Comments are closed.