33 CHINESE PINADEPORT NG PAOCC

UMABOT sa 33 Chinese ang sapilitang idinineport ng Presidential Anti-Organized Crime Commissions (PAOCC) dahil sa pagkakasangkot ng illegal gambling sa bansa.

Umalis ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-11:15 kahapon ng umaga sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-336 patungong Xiamen kasama ang ilang tauhan ng Chinese Embassy na nakabase sa Pilipinas.

Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, bukod sa 33 pogo workers pinoproseso na rin ang mga papeles ang iba pang Chinese na sangkot sa illegal gambling pabalik sa China.

Dagdag pa ni Cruz, ipagpapatuloy ng kanilang mga tauhan ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil o sugpuin ang illegal na POGO upang matigil ang karahasan o krimen na nangyayari.

Aniya, karamihan sa sangkot sa karahasan ay ang mga empleyado mismo ng POGO kabilang na ang human trafficking, prostitution, kidnapping at pagpatay.

Ang POGO workers ay kabilang sa itinuturing na mga scammer na kadalasan ang kanilang mga biktima ay ang kapwa Chinese.

FROILAN MORALLOS