33 MEDICAL WORKERS DINAPUAN NG CORONAVIRUS

DANIEL FERNANDO

BULACAN – TATLUMPU’T TATLONG medical workers ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lalawigang ito habang isa,sa kanila ang nagbuwis ng buhay.

Ayon kay Dr. Jocelyn Gomez, provincial public health officer, sa  naturang bilang 7 ang doctors, midwife, at 24 nurses, at nursing attendant,kung saan isang doktor ang naitalang nasawi.

Agad ipinag utos ni Gob. Daniel Fernando ang pagbubukas ng Bulacan Infection Control Center (BICC) sa bisinidad ng Bulacan Medical Center para sa mga infected medical workers.

Kaugnay nito na sa 223 ang confirmed COVID-19 cases, 93 recovered, 31 ang nasawi, habang ang suspect person under investigation ay 1,543. THONY ARCENAL

Comments are closed.