PINARANGALAN ng pamilya Sy at ng SM Foundation, Inc. ang 330 iskolar nito na nagtapos ngayong school year 2017-2018 sa ginanap na testimonial dinner na pinangunahan ng mag-asawang sina Henry Sy, Sr. at Felicidad Sy sa SMX kamakailan.
Personal ding dinaluhan ang seremonya nina Hans T. Sy, chairman ng executive committee ng SM Prime Holdings; executive director ng SM Investments Corporation (SMIC) Harley Sy; chairman of the board ng SMIC at presidente ng SM Foundation, Inc. na si G. Jose Sio; executive director ng SMFI Debbie P. Sy; trustee ng SMFI na si Chito Macapagal; SMFI executive director for education Linda Atayde at iba pang opisyal ng SM.
Ang ika-22 grupo ng iskolar ngayong taon ay pinangunahan ng dalawang summa cum laude na sina Jedda Pascual, na nagtapos sa Ateneo de Davao, at Danielle Francis Olsen mula sa University of Negros Occidental – Recoletos, na kapuwa nagtapos ng kursong Accountancy.
Umabot naman sa 21 ang magna cum laude, 47 ang cum laude at 20 ang umani ng academic distinctions, samantalang 87 ang nakakuha ng Latin Honors.
Kabilang din sa ginawaran ng pagkilala sa ginanap na programa ang mga katuwang ng SMFI na kinabibilangan ng Belle Corporation, Louis Coson Friendship Cup, The SM Store, Bb. Elizabeth Majam, G. at Gng. Howard Sorenseem, Elizabeth Sy, Herson Sy, Oscar Peñaranda at Virginia A. Yap.
Batay sa rekord, nakatapos ng pag-aaral ang mga iskolar mula sa 105 na unibersidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa na katuwang ng SM Foundation, Inc. sa pagtataguyod ng kanilang programang pang-edukasyon.
Samantala, 149 sa mga nagsipagtapos ay mula sa National Capital Region, 115 sa Luzon, 57 sa Visayas at 12 ang nagmula naman sa rehiyon ng Mindanao.
Ngayong taon ay nakatapos na rin ng pag-aaral ang mga iskolar ni G. Harley Sy na nagmula sa Samar, Leyte at kalapit na bayang nasalanta ng bagyong Yolanda.
Sa mensaheng ibinahagi ng SM iskolar batch 2000 na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education sa Philippine Normal University, at kasalukuyang Regional Operations Manager ng SM Hypermarket na si Loida Ongteco de Vera, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsisikap at pagpapahalaga sa pinagdaanang hamon ng buhay upang maabot ang pangarap.
Samantala, bago idinaos ang pagbibigay ng pagkilala sa mga iskolar, pinangasiwaan muna ng Human Resource Executives ng SM ang isang job fair, kung saan binigyan ng pagkakataong makapasok sa trabaho ang mga nagtapos sa bawat panrehiyong sangay ng SM.
Bawat taon, tumatanggap ng 2,000 iskolar sa kolehiyo at karagdagang 2,000 pang tech-voc iskolar ang SM Foundation, Inc. Sa kasalukuyan, mahigit 3,000 estudyante na ang napagtapos ng foundation sa buong bansa. Mina Satorre
Comments are closed.