332 ILLEGAL ALIENS NADAKIP NG BI AT NBI

Jaime Morente

TARLAC-NAARESTO ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang  may 332 undocumented aliens na nagtratrabaho ng walang mga working visa sa Bamban ng lalawigang ito.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nahuli ang mga ito makaraang makatanggap ng impormasyon ang NBI  mula sa mga residente sa Pag-asa St., Barangay Dela Cruz, Bamban, Tarlac sa kinaroroonan ng 200 undocumented aliens sa kanilang lugar.

Sa ikinasang operasyon,  huli sa akto ang 323 Chinese nationals, 8 Malaysian nationals, at Indonesian na nagtratrabaho sa isang opisina ng walang kaukulang working visas.

Batay sa report ng mga awtoridad sangkot ang mga ito sa online gambling, internet fraud, at cybercrime operations na kung saan ay  isang compound na under construction na ginagawang barracks.

Ang naturang bilang ng mga dayuhan ay nasa kostudiya ng mga tauhan ng NBI habang inihahanda ang kaukulang kaso kaugnay sa  illegal gambling at immigration charges. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.