(332 namatay) 62,723 ROAD MISHAPS NAITALA NG MMDA

UMAABOT sa 62,723 kaso ng aksidente sa kalsada habang 332 naman ang namatay, alinsunod sa talaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong Enero 2024 hanggang Nobyembre 2024.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, nangunguna sa road crashes ay ang four-wheeled vehicles na may 54 porsiyentong kaso kung saan ikalawa ay ang motorsiklo na may 22.03 porsiyento at ang puma­ngatlo ay mga trak na may 7.41 porsiyento.

Base sa record ng MMDA, kabilang sa pitong pampublikong kalsada na may pinakamataas na truck-related mishaps or road crashes ay ang C-5 Road, Commonwealth Avenue, Epifanio Delos Santos Avenue, Marcos Highway, Roxas Boulevard, R-10 Road at ang Quezon Avenue.

Samantala, nanawagan naman ang Department of Health (DOH) sa mga drayber ng sasakyan na maging maingat sa pagmamaneho dahil libo-libong road crashes ang nagaganap sa pagtatapos ng Kapaskuhan at year-end Holidays.

Kaya’t panawagan ng DOH, “Huwag uminom kung magmamaneho. Saka kelangan, huwag puyat at huwag pagod dahil ang tendency niyan baka antukin baka maka­tulog habang nag-da-drive”

“Huwag po tayo magpa-distract, huwag magme-message, huwag magse-cellphone habang nagda-drive, baka mamaya nawala na tayo sa concentration sa pagda-drive, maaaksidente tayo (Avoid distractions, don’t send messages, refrain from using your cellphone while driving, you may get into an accident when you lose concentration on dri­ving),” dagdag pa ng DOH.

MHAR BASCO