335 OFWs POSITIBO SA COVID-19

DFA

NASA 335 na Filipino ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa labas ng bansa.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA),  ang naturang bilang ay mula sa tatlumpung mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Umaabot na sa 220 ang kasalukuyan sumasailalim sa mga gamutan. Habang nasa 111 naman ang nakarekober at nakalabas na ng ospital kung saan apat na ang naitalang nasawi sa COVID-19.

Ayon sa ahensiya , ang COVID-19 ay nasa 202 mga bansa, lugar o teritoryo sa buong mundo.

Humigit-kumulang sa 10 milyong  overseas Filipino workers (OFWs) ang naninirahan at nagtatrabaho sa buong mundo.

Ang ilan sa malalaking bilang ng mga Filipino ay nasa mga bansa na kung saan epicenter ng COVID-19.

Dahil dito, iginiit ng DFA na hindi maiiwasang maapektuhan ang  mga OFW na naturang sakit. VICKY CERVALES

Comments are closed.