3,375 BAGONG KASO NG COVID-19

DOH-COVID-2

NASA 3,375  ang bagong napaulat na kaso  ng coronavirus disease sa Filipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Setyembre 17, umabot na sa 276,289 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 63,408 ang aktibong kaso.

May 87.5 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.7 porsiyento ang asymptomatic; 1.1 porsiyento ang severe habang 2.7 porsiyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 53 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 4,785 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Nasa  317 naman ang gumaling pa sa bansa kaya  nasa  208,096 ang total recoveries ng COVID-19 sa Filipinas.

Comments are closed.