NASA 338 mga convicted individual ang binitay sa Saudi Arabia noong nakalipas na taon.
Kabilang dito ang 25 Yemenis, 24 Pakistanis, 17 Egyptians, 16 Syrians, 14 Nigerians, 13 Jordanians at pitong Ethiopians.
Ayon sa Saudi Interior Ministry, anim na Iranian national ang kasama sa mga binitay dahil sa kasong may kinalaman sa drug trafficking.
Kaugnay nito ay nagpadala ng summon ang Iran laban sa Saudi ambassador para kwestyunin ang naturang hatol.
Ang bilang ng mga binitay sa Saudi Arabia noong 2024 ay mas mataas kumpara noong 2023.
Mula pa noong 1990s ay sinusubaybayan na ng Amnesty International ang executions.
Mula sa naturang bilang, aabot sa 117 na convicted individual ang binitay dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking.