33K PULIS IKINALAT SA PAGBUBUKAS NG KLASE

MAHIGIT sa 33,000 pulis ang ikinalat ng Philippine National Police (PNP) para pagbubukas ng klase ngayong School Year 2024-2025 sa ibang lugar sa bansa kahapon.

Sa official statement ng PNP, ang dami ng deployment na nasa 33,286 pulis ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo sa paaralan, estudyante, guro, magulang at mga school worker.

“In anticipation of the opening of classes today, the PNP has announced its comprehensive readiness to ensure the safety of students, teachers, and parents nationwide,” ayon sa PNP.

Itinayo rin ang police assistance desks (PADs) sa mga lugar na malapit sa paaralan para tumugon sa safety concerns at magbigyan ng mabilisang security assistance, foot and mobile patrols sa paligid ng paaralan.

Para naman sa mga paaralang nag-postpone ng kanilang class opening dahil sa hagupit ni Habagat at bagyong Carina ay kanila ring aalalayan at popostehan ng mga pulis.

“In light of Typhoon Carina, the Department of Education has postponed the start of classes for 842 public schools across five regions. The PNP is committed to closely monitor these areas and provide necessary assistance to affected communities,” ayon pa sa PNP.

Tumulong din sa Brigada Eskwela ang mga pulis at  clean-up efforts sa mga apektadong luar ng bagyo.

Kahapon ay mayroong paaralang nagbukas na kahit naitala ang weather disturbances na tumama sa bansa.

EUNICE CELARIO