33rd PHILIPPINE TRAVEL MART TAGUMPAY

NAGING matagumpay ang 3-day Philippine Travel Market na itinaguyod ng Philippine Tours Operators Association (PhilToa) sa SMX Convention Center, MOA Complex sa Pasay City.

Nagsimula ang PTM nitong Biyernes, Setyembre 30 at nagwakas kahapon, Oktubre 2.

Sa pagbubukas ng PTM ay nagkaroon muna ng ribbon cutting sa pangunguna ni Philtoa President Fe Abling Yu, Tourism Promotion Board Marga Nograles at kabilang sa mga kasama ay si Mr. Marvin Estigoy, VP for Marketing and Sales sa Aliw Media Group.

Nasa 300 exhibitors naman ang lumahok sa PTM kasama na ang ALC Group partikular ang Club Ananda, City State Tower Hotel, Club Ananda, Asturias Hotel at Manila Grand Opera.

Tampok din ang iba’t ibang hotel and resorts discounts, specialty tours, exclusive rates para sa airlines at cruises para sa destinasyon, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Southeast Asia, Europe, Middle East at USA.

Partner naman ng Philtoa sa 33rd PTM ang Department of Tourism, Tourism Promotions Board gayundin ang media partners na PILIPINO Mirror, BusinessMirror, Philippines Graphic, Cook, DWIZ 882, Home Radio 979 at CNN Philippines. EUNICE CELARIO