CAVITE – NAREKOBER ng mga tauhan ng Silang Municipal Police Station sa bayan ng Silang ang 34 na bricks ng marijuana leaves kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng PNP-Calabarzon nakatanggap ng tawag ang Silang Municipal Police Station mula sa Brgy. Lalaan 1st Chairman Romeo Toledo.
Ini-report nito ang pagkakakita sa marijuana leaves na aabot sa 34 kilos sa bakanteng lote ng Cathay Land sa may Aguinaldo Highway, Brgy. Lalaan Silang, Cavite.
Agad silang rumesponde dahilan nang pagkakakuha ng marijuana leaves na may street value na P1.2 million.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP-Cavite para matukoy ang nagmamay-ari ng 34 na bricks ng marijuana leaves. REA SARMIENTO
Comments are closed.