PARAÑAQUE CITY– TATLUMPU’T TATLONG kababaihan ang napigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking.
Sinasabing papuntang Saudi Arabia ang mga babae at magtatrabaho bilang mga house hold service workers.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, naharang ang mga ito ng kanyang mga tauhan sa NAIA Terminal 1 noong Sabado ng hapon habang pasakay sa Saudi Airways flight papuntang Riyadh.
Nadiskubre na ilegal ang pagkaka-recruit sa kanila pagdaan sa secondary inspection dahil magkakasama ang mga ito at isang lugar ang kanilang destinasyon.
Pahayag ni Ma. Timotea Barizo, hepe ng travel control and enforcement unit (TCEU) ang 34 OFWs na ito ay hindi magkakatugma ang kanilang mga job description, sapagkat na-hire sila bilang house hold workers, ngunit sila ay mga company cleaner.
Nabisto rin na mga peke ang kanilang mga overseas employment certificate (OEC) na iprinisinta sa immigration counter. FROI MORALLOS