34 ILLEGAL ALIEN PINADEPORT NG BI

PINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang 34 illegal dayuhan na unang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa mga kumpanyang hinihinalang sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Ga­ming Operator (POGO).

Naaresto ang mga indibidwal sa mga kumpanyang Royal Corporation Xisheng IT, Lucky South 99 Outsourcing, at Royal Park, at nahaharap sila sa mga kasong undocumented, overstaying, working without proper visas or permits, at working for companies other than their petitioners.

Ang mga naarestong mga Chinese national ay dating nasa kustodiya ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) facility matapos silang naaresto na illegal na nagtatrabaho sa gaming ope­rations.

“This deportation is a testament to the Bureau’s resolve in enforcing our immigration laws. We will continue to pursue operations like this to protect the country’s sovereignty and uphold the dignity of those victimized by these schemes,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony  Viado.

Ang mga pina-deport ay nasa listahan na rin ng BI blacklist at hindi na sila pinapayagan pang muling makapasok ng bansa.

PAUL ROLDAN