KUMPISKADO ng awtoridad ang may halos 340 kilos na pork skin na hinihinalang kontaminado ng African Swine Fever (ASF).sa isang terminal ng bus sa Laoag City.
Ayon kay Shiela Rapatan de Leon, pinuno ng slaughter house sa siyudad, walang kaukulang dokumento ang mga pork skin na galing sa Sampaloc, Manila at ang consignee nito ay nakilala lamang sa pangalang Alfred Rambaud na taga-Paoay, Ilocos Norte.
Ipinarating ni De Leon na agad nilang ibinaon sa lupa ang mga pork skin at binuhusan ng disinfectant at crude oil.
Idinagdag pa niya na hindi pa nila nakakausap ang consignee dahil wala ito sa Ilocos Norte.
Matatandaang iniutos ng provincial government ang mahigpit na pag-monitor sa mga pumapasok na karne ng baboy sa lalawigan upang matiyak na hindi makapapasok ang ASF virus sa nabanggit na probinsiya. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.