AABOT sa 340 persons deprived of liberty na nakapagtapos na ng kanilang hatol ang pinalaya sa NBP sa Muntinlupa City kahapon.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, PAO chief Persida Acosta at BuCor OIC chief retired General Gregorio Catapang Jr.
Bukod sa certificate of discharge from prison o release order, binigyan din ang mga PDL ng grooming kit at cash allowance.
Ginawaran din sila ng certificate of eligibility sa ilalim ng DoLE Integrated livelihood program.
Tutulong ang DoLE na bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay ang mga bagong laya. BETH C