34,021 PANG COVID-19 CASES NAITALA

NASA 34,021 ang naitalang kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) dakong alas- 4:00, Huwebes ng hapon naitala ang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 3,092,409 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 237,387 o 7.7 porsiyento ang aktibong kaso.

7,332 ang asymptomatic o walang sintomas, 225,408 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,881 ang moderate, 1,468 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Iniulat na nasa 82 ang nasawi, kaya umakyat na sa 52,736 o 1.71 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 4,694 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,802,286 o 90.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.