342 ILLEGAL POGO WORKERS TIMBOG

arestado

QUEZON CITY – ARES­TADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang 342 na mga ilegal na dayuhan sa isinagawang pagsalakay sa isang online gaming company o mga tinatawag na Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO).

Pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga naaresto ay nagtatrabaho na walang mga kaukulang permit at visa sa 2nd, 3rd, at 4th Floors sa Global Trade Center Building sa Bago Bantay.

Nabatid na ang mga inaresto ay pawang Chinese at nagtatrabaho sa ilalim ng POGO na hindi nangangailangan ng permit to operate na inisyu ng  Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“We sought the assistance of PAGCOR in confirming their permit, and we found out that the company was duly licensed, but was not yet allowed to operate,” ayon kay  Fortunato Manahan, Jr., BI Intelligence Division Chief.

Dagdag pa ni Manahan na ang kanilang kompanya ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan at pinangangambahang ginagamit ito sa ilegal na aktibidades.

“We had reason to suspect that the company is a front for illegal cyber activities and investment scams,” ayon kay  Manahan.  “We coordinated this operation with the Chinese government, which confirmed the company’s involvement in illegal activities, victimizing mostly their compatriots in China,” dagdag pa nito.

Nakuha sa lugar ang daan-daang mga mobile phone  na pinaniniwalaang ginagamit sa online at phone scamming.

Kinansela na rin ng Chinese government ang kanilang mga pasaporte dahilan upang ikonsidera silang undocumented aliens.

Ang 342 na mga dayuhan ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Cari­ngal sa  Quezon City. PAUL ROLDAN

Comments are closed.