KARAGDAGANG 342 Overseas Filipino Workers ( OFWs) mula sa United Arab Emirates (UAE) ang dumating sa bansa.
Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi at Philippine Consulate General sa Dubai ang nasabing bilang ng mga nai-repatriate ay lulan ng Philippine Airlines na may flight number PR 8659.
Nabatid na karamihan sa mga pasahero ay nakapag-avail ng amnesty program ng UAE government dahil sa overstaying na ang mga ito at tanging tourist visa lamang ang kanilang pinanghahawakan.
Sa ilalim ng amnesty program, ang mga may tourist visa na nag- expired na noong Marso 1 ng taong kasalukuyan ay kinakailangan ng bumalik sa kani-kanilang bansa .
Bukod dito,karamihan din sa mga umuwi ay distress workers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang sa natulungang makauwi sa bansa ang mag-ina na may 7 taong gulang na anak. LIZA SORIANO
Comments are closed.