342 PA GUMALING SA COVID-19

DOH covid

INIULAT ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 72,269 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa bansa.

Batay sa inilabas na case bulletin ng DOH, nabatid na hanggang 4:00PM nitong Hulyo 22 ay nakapagtala pa sila ng panibagong 1,594 kaso ng COVID infections.

Patuloy namang na­ngunguna sa listahan ng ‘Top provinces by newly announced cases’ ang National Capital Region (NCR), kasunod ang Cebu, Zamboanga Del Sur, Negros Occidental, at Rizal.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na may 342 na bagong naitalang nakarekober mula sa virus sanhi upang umabot na sa 23,623 ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries.

Samantala, may anim na naitalang nasawi dahil sa virus kaya’t umakyat na sa 1,843 ng COVID-19 death toll sa Filipinas.

Mayroon din namang 89 na inalis mula sa kabuuang bilang ng kanilang naiulat na COVID-19 cases sa bansa matapos matukoy na duplikasyon ang mga ito. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.