343 NALAMBAT SA COMELEC-PNP-AFP GUN BAN

AFP-PNP-COMELEC

TULOY tuloy pa rin ang paglobo ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral ngayon na total gun ban ng Commission on Election (COMELEC) na ipinatutupad ng kanilang deputized agents ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa papalapit na eleksyon.

Pumalo na sa 343 ang bilang ng mga lumabag sa pinaiiral na nationwide gun ban kahapon na ipinapatupad ng may 45,638 COMELEC-PNP-AFP sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa datos na ibinahagi ng PNP, 25 ang pinakahuling nadagdag, 23 ang sibilyan at dalawa naman ang security guards.

Gayundin, lahat ng mga naaresto ay sinampahan na ng kaukulang kaso.

Kabilang sa mga nakumpiska ng mga awtoridad ang mga ba­ril , bala at iba’t ibang matataas na kalibre ng armas.

Mula ito sa Metro Manila, Marawi City, Taguig City, Leyte, at Tacloban City gayundin sa ilang lugar sa Eastern Visayas, Western Visayas, Central Luzon, Cagayan at Ilocos.

Simula noong Ene­ro 9, unang araw ng election gun ban, minobilisa ng COMELEC ang mga checkpoint na binabantayan ng pulis at militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magtatagal hanggang sa Hunyo 8.

At tanging mga alagad at ahente ng batas lamang ang awtorisadong magbitbit ng baril matapos na pansamantalanmg suspindihin ang lahat ng permit to carry firearms outside residence at kinakaila­ngan din na sila ay naka-uniporme. VERLIN RUIZ