NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang aabot sa 344 katao na lumabag sa city ordinances na ipinatutupad ng Quezon City Police mula alas-5:00 ng umaga kamakalawa hanggang kahapon.
Ayon sa pulisya, ang pag-aresto sa mga suspek ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa kalye ang mga istambay lalo na sa gabi.
Mula sa La Loma Police Station (PS-1), arestado ang lima katao sa paglabag sa city order on drinking liquor in public place.
Samantala, sa Masambong Police Station (PS-2) naman ay naaresto ang 97 katao dahil sa kasong smoking and drinking liquor in public places habang ang ilan sa kanila ay roaming half naked.
Aabot naman sa 35 menor ang kasali sa mga nadakip dahil sa paglabag sa curfew hours.
Ang Talipapa Police Station (PS-3) naman ay nakakuha ng 7 menor na lumabag sa oras ng discipline hours.
Naaresto naman ng Novaliches Police Station (PS-4) ang anim katao dahil sa paglabag sa drinking liquor in public place and created trouble. Isa naman sa mga ito ay nakuhanan ng patalim.
Tatlumpu’t apat na katao ang naaresto ng Fairview Police Station (PS-5) kabilang na ang 4 menor de edad na lumabag sa discipline hours.
Sa Batasan Police Station (PS-6) naman ay nadakip ang may 22 katao dahil sa kasong smoking in public places habang walo sa mga menor de edad ay dinakip sa mga internet café sa disoras ng gabi.
Ang Cubao Police Station (PS-7) ay nakadakip ng 12 menor dahil sa paglabag sa discipline hours habang ang tatlo ay inaresto sa paglabag sa drinking liquor in public place habang ang isa naman ay pakalat- kalat nang walang damit pang itaas.
Sa Project 4 Police Station (PS-8) ay inatesto ang 22 katao sa kasong jaywalking habang apat ay roaming around half naked.
Ang Anonas Police Station (PS-9) nakahuli ng 14 katao dahil sa pag-iinom naman sa pampublikong lugar nang walang suot pang itaas.
Sa Kamuning Police Station (PS-10), arestado ang 59 katao sa dahil sa pag-inom ng alak sa pampublikong lugar at kawalan ng pang-itaas na damit.
Ang Galas Police Station (PS-11) ay nakaaresto ng 44 katao dahil sa kaparehong paglabag.
Sa Eastwood Police Station (PS-12), inaresto ang anim katao dahil sa paglabag sa kapareho pa ring paglabag.
Ayon pa kay PCSupt Esquivel, “I commended the QCPD personnel for the accomplishment. Let us maintain the intensified implementation of ordinances.” PAULA ANTOLIN
Comments are closed.