MAHIGIT sa 345,000 trabaho sa Japan ang naghihintay sa overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng paglagda sa kasunduan ng mga pamahalaan ng Filipinas at Japan noong nakaraang linggo.
Nagpalabas na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga alituntunin sa deployment ng mga manggagawa sa Japan noong Marso 22 kaugnay sa implementasyon ng bagong Philippines-Japan Memorandum of Cooperation (MOC), na inaasahang magiging epektibo sa second quarter ng taon.
Saklaw ng MOC ang 14 skilled categories na kinabibilangan ng care worker, building and cleaning management, machine parts and tooling, indus-trial machinery, electric and electronics information, construction, shipbuilding and ship machinery, automobile repair and maintenance, aviation, ac-commodation, agriculture, fishery and aquaculture, food and beverage manufacturing, at food service.
Para magkuwalipika sa MOC, ang mga aplikante ay kailangang makapasa sa Japanese language proficiency exam at skills test. Ang mga aplikante ay kailangan ding may passport na valid, hindi bababa sa anim na buwan bago ang intended date of departure.
May dalawang uri ng specificied skill worker sa ilalim ng mga alituntunin.
“The first type refers to those who are allowed to work in Japan for a maximum of five years while the second type refers to those who are allowed to work in Japan indefinitely based on renewal of their employment contract and extension of period of stay.”
“No fee of any kind of form shall also be collected from the specified skill worker for their selection and deployment to Japan. No deduction shall also be made on the workers’ allowance and wages for any purpose except for the host country prescribed allowable deductions such as tax.”
Bukod sa pagkakaloob ng bagong employment opportunities, itinatakda rin ng MOC ang pagpapalakas sa kooperasyon sa pagitan ng Philippine at Japanese authorities pagdating sa pangangalap ng OFWs at pagtiyak sa kanilang proteksiyon at kapakanan sa Japan.
Ang MOC ay hiwalay na arrangement mula sa Technical Internship Training Program (TITP) ng Japan.
Hindi tulad sa mga aplikante ng TITP, na magkakaroon ng ‘trainee’ status sa Japan, ang mga mag-aaplay sa trabaho na nakapaloob sa MOC ay ku-kunin ng Japanese firms bilang actual workers.
Ang MOC participants ay magkakaroon ng mas mahabang kontrata kaysa TITP availees, gayundin ng oportunidad na mag-apply para sa immigrant visa sa Japan.
Sa pinakabagong datos mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang overall deployment ng OFWs sa Japan ay tumaas sa 21,924 noong 2017 mula sa 21,363 noong naunang taon. BERNADETTE D. NICOLAS
Comments are closed.