NASA 348 overseas Filipino workers (OFWs) mula Dubai at Abu Dhabi ang nakauwi na.
Ito na ang fourth batch ng repatriation magmula nang ipatupad ang travel restrictions noong nakaraang buwan sa pitong bansa, kabilang ang United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa report sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, ang repatriates ay umalis sa UAE noong Sabado at dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga via Philippine Airlines.
Sinagot ng OWWA ang gastos sa chartered flight habang ang repatriation ay prinoseso sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Dubai.
Nasa 2,000 OFWs at kanilang mga pamilya mula sa emirates ang target na mapauwi sa bansa.
Ang unang tatlong batches ng repatriation ay pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Apat pang DOLE-OWWA repatriation flights ang nakatakda sa Hulyo 12, 17, 27 at 30.
Ang mga repatriate ay kinabibilangan ng 67 pregnant OFWs, 30 na may medical cases, 6 na nanirahan sa Bahay Kalinga sa Dubai, at dalawa sa Bahay Kalinga sa Abu Dhabi.
Ang iba pa sa umuwing OFWs ay yaong ang flights ay nakansela o overstayed.
Ang repatriated OFWs ay sasailalim sa quarantine at dadalhin sa kanilang hometowns sa sandaling magnegatibo sa COVIDi-19.
Sasagutin ng OWWA ang hotel accommodation at pagkain habang hinihintay ng OFWs ang kanilang test results.
532251 370846I like what you guys are up too. Such smart work and reporting! Carry on the superb works guys I?ve incorporated you guys to my blogroll. I feel it will improve the value of my web web site 156496
725708 139672I like this website so considerably, saved to favorites . 368216
37957 414718I come across your webpage from cuil and its high quality. Thnkx for giving this sort of an incredible post.. 487139