QUEZON CITY – Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na mayroong 349 na mga local government official ang patuloy na sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).
Sa pulong balitaan sa Camp Crame sinabi ni Año na ang 349 na mga local government official na ito ay nagbabayad ng permit to win fee at permit to campaign fee sa CPP-NPA.
Batay aniya sa kanilang watchlist, 55 alkalde, 21 bise alkalde, 41 municipal councilors, 176 na mga brgy. captain at brgy. councilors, 11 mga dating local government officials, 10 incumbent congressman at isang dating congressman.
Aniya 2016 pa na-monitor ang galaw ng mga local government official na ito karamihan ay nasa Region 5, Region 10, Region 11 at Region 2.
Aabot na aniya sa 194.5 million ang naibayad ng mga politikong ito sa mga CPP-NPA simula 2016 hanggang taong 2018.
Sinabi ni Año na ang mga impormasyong ito ay batay sa intelligence community at ngayon patuloy pa silang kumakalap ng im-pormasyon para masampahan ng kaso ang mga ito. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ
Comments are closed.