(34K pasahero inaasahang darating) 41 CRUISE SHIPS BIBISITA SA MIMAROPA NGAYONG TAON

NAKATAKDANG dumating at bumisita sa MIMAROPA region ang 41 cruise ships ngayong taon.

Ayon sa MIMAROPA Department of Tourism, pinakamarami ang lugar ng Puerto Prinsesa sa Palawan kung saan 22 cruise ships ang inaasahang darating na may sakay na pasaherong aabot sa 34,000 katao ngayong taon.

Nitong Pebrero 9, dumating naman ang kauna-unahang cruise ship sa Puerto Prinsesa City, Palawan matapos ngang saraduhan ang mga border nito dahil sa COVID 19 pandemic.

Dumating din sa Romblon ang luxury cruise ship na Silver Shadow ng Silversea Cruises matapos matigil ang pagdating ng mga ito sa probinsya dulot. ng pandemya.

Sakay ng cruise ship ang aabot sa 330 na guests mula sa iba’t ibang bansa.

Nakipag-ugnayan naman ang DOT MIMAROPA Region sa lahat ng mga kinauukulan na makipagkoordina sa Local Government Units (LGUs) para sa mga inihandang excursion sa mga pasahero nito.

Layon din nito na maipakita rin ang Filipino Brand of Service Excellence maging ang highlights ng sining at kultura ng bawat lugar sa MIMAROPA na pagdadaungan ng barko. RON LOZANO