CAMP CRAME – GAYA ng inaasahan, naging mapayapa ang pagdiriwang ng ika-34 na anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution kahapon, batay sa security assessment ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac, wala silang na-monitor na untoward incident.
Ito ay sa kabila nang pagsasagawa ng kilos protesta ng mga militanteng grupo.
Sinabi ni Banac, nirerespeto ng PNP ang karapatan ng mga Filipinong mapayapang magtipon-tipon at maghayag ng saloobin kontra sa gobyerno.
Nanatiling nakaalerto ang mga pulis mula umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Samantala, sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, BGen. Debold Sinas na welcome sa kanila ang demonstrasyon ng mga militanteng grupo dahil niyayakap nila ang demokrasya.
Naniniwala rin itong nananatili ang demokrasya sa bansa.
“Kung walang democracy, e ‘di walang interbyu, ‘pag walang interbyu, walang freedom of the press, ‘di ba? Hanggang ngayon anybody could say anything,” ayon pa kay Sinas. REA SARMIENTO
Comments are closed.